Feb 15, 2012

Vice Ganda Syndrome

i've read this commentary and i definitely agree to the author...sincere and timely
from http://definitelyfilipino.com/blog/2012/02/12/vice-ganda-syndrome/
by juanmandaraya






(PAUNAWA: WALANG INTENSYON NA SIRAAN ANG NABANGGIT NA PERSONALIDAD SA ARTIKULONG ITO. KAYA COOL LANG TAYO DAPAT)
VICE GANDA SYNDROME (bays-ganda-sindrowm)
- ugali o asal ng isang taong pilosopo; bagong sakit ng tao na sobrang advance kung sumagot at nakakayamot mangatwiran; lumilikha ng pansamantalang katalinuhan habang ginagawang mangmang ang kausap; sintomas ng isang taong mahirap kausapin na parang sinapian ng abogadong lulong sa pintura o barnis
Uso ang sakit na ‘to. Ewan ko ba. Parang ang ganda niyang ihanay sa makabagong asal nating mga Pinoy na sana mabura na. Hindi ko alam kung nakakatuwa ba o mas maraming pagkakataon na maiinis ka kasi ‘wala ka ng makausap na matino sa ngayon’.
Oo na. Sikat na ang taong ito sa ngayon dahil sa makabagong paraan nya ng pagpapatawa (o pamimilosopo, mas bagay ata yun), kasabay ng bagong alas na programa ng istasyon tuwing tanghali. Nung una kasi, parang ang cool at astig ng paraan niya. Sariwa eh. Mabenta talaga. At kahit sino pwedeng-pwede siyang gamitin, kasihodang anak ka ng senador. Mabilis na lumaganap na parang may bagong uso na hindi ka dapat mahuli, at may kalalagyan ka pag nagkataon. Magmumukha kang tanga sa piling ng mga taong sinapian ng abogadong panis.
Simula ng maging bukambibig ng mga Pinoy ang ganung klaseng pagsagot sa naapaakaaasssimmpleenggg tanong na kung bakit kelangan pang barahin ka at ipamukha sa’yo na “sana hindi ka na lang nagtanong”, wala nang makausap na matino ngayon. Mano bang tanungin mo ng “Andito ba si Juan?” na awtomatikong babatuhin ka ng hindi malamang eksplanasyon at pagpapanggap na ewan ko ba kung bakit ganito ang isasagot sa’yo: “Ay andito siya, katabi ko… Kita mo ‘di ba? Eto siya…” kasabay ng tawanan na para bang umutot ka na may tono at bagay na gawing message alert tone. Wala na. Nagkaisa na ang mga utak nila na sa mga oras na ‘yon, opisyal ka ng nagmukhang tanga. Na kung may lakas loob ka namang maghiganti ay ganito sana ang isasagot mo pero may utak ka kaya napigilan mo ang sarili mo kasi mababaw naman ang kausap mo: “Itatanong ko ba kung andito?”.

Ang galing sana ng ganung sistema ng paguusap lalo na sa mga oras na biruan. Normal yun. Yung mga pagkakataon na ‘out of nowhere’ ang joke tapos hagalpak sa tawa ang ilan, at yung iba ay hindi mo alam kung natatawa ba o naiiyak. Napagkaisahan ka na, kaya huli na. Gustuhin mo mang bumawi, nauna ka ng nabigyan ng medalya ng pagiging ‘tanga mo naman’. Katakot-takot na panlalait na ang ibabato sa’yo, s-a-m-a-n-t-a-l-a-n-g normal naman ang ganung klase ng pagtatanong. Wala pang naipapasang batas na bawal magtanong ng katangahan ang isang tanga. Freedom of speech, meron. Hindi mo masisisi ang isang tao kung magtanong siya ng isang simpleng tanong na may kalakip na obvious na sagot. Ibig lang sabihin, kinakausap ka niya. Hindi siya naghahanap ng away.
Heto ang ilan sa mga hindi kaaya-ayang pananaw ng ilan sa isang usapan:
LALAKE KARARATING LANG NG OPISINA
LALAKE 1: P’RE! KARARATING MO LANG?
LALAKE 2: AY HINDI! KANINA PA. ‘DI MO BA KO NAPANSIN?
BABAE MAY KAUSAP SA TELEPONO:
BABAE 1: HELLO, SINO PO SILA?
BABAE 2: ANDIYAN PO BA SI ALING BABAE??
BABAE 1: AY ANDITO HO, GUSTO NYO PO BANG MAKAUSAP??
BABAE 2: AY HINDI, WAG NA, KAYA NGA HINAHANAP KO SIYA KASI SAYANG YUNG TELEPONO NAMIN KUNG HINDI RIN MAGAGAMIT. SALAMAT HA?
BATA KUMAKAIN NG ICE CREAM:
BATA 1: WOW ICE CREAM! SAN MO NABILI YAN?
BATA 2: DIYAN LANG SA HARDWARE. BILISAN MO KASI MAGSASARA NA SILA!
SENIOR CITIZEN PUMASOK SA ISANG FASTFOOD:
SERVICE CREW: GOOD MORNING MAM, KAKAIN PO BA SILA?
SENIOR CITIZEN: AY IHO HINDI! LALANGHAP LANG AKO NG OXYGEN DITO KASI BALITA KO OK DAW DITO.
Tinamaan ng lintek.
Sino ba naman ang gaganahang makipagusap sa may sapak ng abogadong panis? Hindi ba niya alam na minsan, yun ang paraan ng isang tao para magbukas ng isang magandang usapan? Paano ka pa makikipagtsismisan hanggang hapon kung sa unang lay-up mo pa lang ay supalpal ka na? Simpleng tanong, simpleng sagot. Hindi naman tayo araw-araw kasali sa Miss Universe para pahabain pa ang simpleng sagot. Wala din namang gustong magkaron ng away. Lahat tayo gusto bumenta ang bawat joke na bibitawan naten, pero anak ng abogadong lulong sa toothpaste, ‘wag naman yung panay-panay ang banat. ‘Wag ka na magtaka kung minsan masabihan ka ng ‘nakakabadtrip naman ‘to’ o ‘P*&^%$# ka ang ayos ng tanong ko ah!’. Tapos sa huli, ikaw pa maiinis. Walangya talaga.
May tamang timeslot ang biruan. May timing. At dapat pasok sa budget. Sa tuwing makakarinig nga tayo ng laos na joke, hindi na nakakatawa di ba? Gasgas na kasi. Hindi na magandang padaanin sa eardrum. Pare-pareho lang kayong mababadtrip at nagmukhang tanga. Bida ka sa harap ng mga tumatawa, pero isusumpa ka naman ng binara mo. At paghandaan mo ang oras na ikaw naman ang mabibiktima, dahil baka sa oras na ikaw naman ang masupalpal, magreklamo ka na agad sa Imbestigador. Kwits lang.
Enhanced by Zemanta
###
©Copyright 2012, Definitely Filipino™ Blog Network. All rights reserved. Unless otherwise stated, all articles in this blog are opinions of their respective authors and not necessarily of Definitely Filipino and its staff.

No comments:

Post a Comment