Jan 8, 2014

indak

Tatakbo at gagalaw Mag-iisip kung dapat bang bumitaw
Kulang na lang, atakihin Ang pag-hinga'y nabibitin

Ang dahilang alam mo na Kahit ano pang sabihin nila
Tayong dalawa lamang ang makakaalam Ngunit ako ngayo'y naguguluhan

Makikinig ba ako Sa aking isip na dati pa namang magulo?
O iindak na lamang Sa tibok ng puso mo

At aasahan ko na lamang na Hindi mo aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasayaw Habang nanonood siya...

Paalis at pabalik May baong yakap at suklian ng halik
Mag-papaalam at mag-sisisi Habang papiglas ka ako sayo ay tatabi

Tayong dalawa lamang ang nakaka-alam
Ngunit hindi na matanto kung sino nga ba ang pag-bibigyan ko
Makikinig nga ba sa isipan na alam ang wasto
Ngunit pipigilan ang pag-ibig nya na totoo

Iindak na lamang ba sa tibok ng puso mo
At aasahan ko hindi nya lamang aapakan ang aking mga paa
Pipikit na lamang at mag-sasaya Habang nalulungkot ka
Pipikit na lamang at mag-sasaya Habang nalulungkot ka

Ako'y Litong-lito Tulungan niyo ako
Di ko na alam Kung sino pang aking pagbibigyan o

Ayoko na ng ganito Ako ay litong-lito ohwooh

No comments:

Post a Comment